Alessandra de Rossi sinabihang “sira ulo” si Angel Locsin.


Muling gumawa ng eksena si Alessandra de Rossi sa online community nang gumawa ito ng isang post para kay Angel Locsin.
Para kay Alessandra, hindi kailangang tumakbo si Angel bilang senador.
"Sabi nila, tatakbo ka raw na senador. (laughing emoji) Nyar, 'di kailangan," simula ng tweet ni Alex.
Joke pa niya kay Angel, hindi nito kailangang tumakbo dahil isang hero gaya ni Darna at kaya naman daw lumipad.
"Kaya mong lumipad. Nag-iisa kang ganyan. Minsan nadadala ng emosyon. Hello? Obvious ba? Napakalaking puso ang nasa 'yo. Natural 'yun. Tao ka. Sira ulo ka. Mahal kita. Teka? May tribute? @143redangel nakita ko lang. #ccto," kabuuan ng tweet ni Alessandra.

SS mula sa twitter accnt ni Alessandra De Rossi
Kasama sa mensaheng ito ni Alessandra sa Twitter niya ay ang series of photos ni Angel na aktong tumutulong sa gitna ng mga kalamidad na dumating sa bansa mula sa bagyong Ondoy, Yolanda, Marawi siege, lindol sa Mindanao, pagputok ng Taal volcano, hanggang ngayon sa covid-19 pandemic ay walang patid ang ginagawang pagtulong ni Angel.

Nag-reply naman si Angel sa tweet ni Alex tungkol sa pagiging real-life hero niya.
Comment ni Angel, "Hahaha! Salamat Alex. Mahal kita!"

SS from Twitter 

Tweet pa ni Alex, gusto niyang batukan minsan si Angel dahil kung saan-saan nagpupunta.
"Gusto ko siyang batukan minsan dahil kung saan-saan nakakarating. Pero 'di siya mapipigilan. Siya 'yan. 'Kairita!"
Ang dami nasiyahan sa palitan ng pahayag nina Alex at Angel sa Twitter.


Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments