Alice Dixon, Ibinahagi na sa wakas ang katotohanan tungkol sa "taong ahas" Urban Legend. Alamin dito!

Kaugnay ng kumalat na balita noon na "taong ahas" na diumano’y naninirahan sa Robinson’s Galleria, matapos ang ilang dekada ay nagsalita na ang aktres na si Alice Dixson upang linawin ito.Matatandaang bali-balita na muntik na diumanong mabiktima ng “taong ahas” si Alice.
photo from google
Kuwento ng aktres, “What I remember on that particular day was I went to Robinsons Galleria mall and to the department store para mag-browse ng clothing.“Pagkatapos kong mamili ng mga damit na gusto ko, in-assist ako ng isang saleslady and she directed me to the dressing room.

photo from google
“I don’t really even recall why I was in Robinson’s kasi sa totoo lang nabibilang sa isang kamay ‘yung ilang beses akong nakarating sa mall nu’ng time na ‘yun.“Then somebody close to me and even a couple of fans said to me that the incident actually took place when I was there on a movie shoot."I remember it actually being night, and production told me I needed to change my outfit or go into my costume and they directed me to the bathroom, sa labas ng department store on the fourth floor para magpalit ng damit.
"Natatandaan ko pa nga na may mga nag-uusyoso sa labas and for some reason, while I was inside the bathroom, I said, "Tuklaw! Tuklaw!
photo from google
"Now, I don';t really know kung bakit ko iyon ginawa. Siguro kasi, I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was just being young and silly. And also because iyong time na iyon, iyong kasamahan ko sa pelikulang ‘Dyesebel’ na si Richard Gomez, he had a movie that came out called ‘Tuklaw,’ at uso iyon noon."

“And one day or one morning after, my secretary told me na tumawag ang Robinson’srepresentative. Gusto akong kausapin but I believe, siguro they wanted to ask me if I made these comments and these accusations, but I dismissed it. I dismissed it and went on with my business. "However, the news didn';t die down."Aminado si Alice na ang katahimikan ng kampo niya ay isa sa mga dahilan kaya kumalat ang balitang ito.

Aniya, “My silence created a snowball. Ibig sabihin, perhaps, my silence was a contributing factor sa paglaki ng rumor na ito. But in my defense, even before, kahit ngayon, kapag meron hindi totoong rumor, if there's something false that's circulating, naniniwala ako na hindi ko dapat patulan."I don't have to be defensive about it, kaya that's one of my reasons why hindi ako nagkomento noon. I didn't really feel the need to talk about it or defend myself.”

Saad pa ni Alice, Nothing really happened. Nothing really happened in the way the urban legend or the myth dictates. Kunwari, hindi naman ako nahulog sa trap door.
Patuloy ni Alice, "A few days later, lumabas iyong balita or gossip na kinagat ako o kinain ako ng malaking sawa sa loob ng mall. Lumabas pa ito sa headline ng tabloids and news.
photo from google
Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas papunta sa hotel. Hindi din naman ako nabayaran ng 850 million, at hindi rin nangyari iyong na-cut iyong pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself."Those things are all not true."

Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments