ANGEL, SARKASTIKONG BINATI SI SOLGEN CALIDA SA PAGIGING 2ND HIGHEST PAID GOVT. OFFICIAL


Nagbahagi ng kanyang reaksiyon si Angel Locsin sa social media tungkol sa news item kay Solicitor General Jose Calida, ang controversial government official na sinasabing isa sa mga nagpasara sa ABS-CBN.

Naiulat kasi sa news na si Solgen ang pangalawa sa highest-paid government officials sa bansa nung year 2019. Umabot sa P16.9 million ang kinita ni SolGen last year.
photo from google 
With that, siya rin ang naitala bilang kauna-unahang solicitor general — after so many years — na nakapasok sa Top 10 government official earners. Kadalasan daw kasi ay ang mga bank officials at mula sa financial sector ang pumapasok sa Top 10.

Dahil diyan, binati ni Angel si SolGen ng "Uy, congrats," after niyang i-repost ang news item tungkol sa government official.

Iniintriga naman ng iba ang pagbating ito ni Angel kay Calida dahil may pagka-sarcastic daw?

Matatandaan na umingay ang pangalan ni SolGen Calida dahil sa pagsasampa niya ng reklamo sa korte laban sa ABS-CBN.

Lalo pang umingay ang name niya nung aminin ng National Telecommunications Commission (NTC) head na si SolGen daw ang nag-pressure sa kanila na patigilin ang pagbo-broadcast ng ABS-CBN pagkatapos mag-expire ang prangkisa nito.
photo from google
At alam naman na natin na ang kasunod nito ay ang tuluyang pag-deny ng Kongreso sa franchise renewal ng network.

Si Angel naman ay isa sa mga pinaka aktibong Kapamilya stars na very vocal sa paglalabas ng kanyang pagtutol sa pag-deny ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.

But in fairness kay Angel, karapatan naman niya kung mag-react man siya sa pagiging Top 2 highest-paid government official ni SolGen Calida. Remember, isa si Angel sa mga top taxpayers ng bansa.

Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments