BODY SHAMING KAY ANGEL NG MGA BASHERS KAPANALIG NI ATTY. FERDINAND TOPACIO


Grabe naman ang ilang netizens na mukhang kapanalig ni Atty. Ferdinand Topacio na pinupuna ang paglobo ng katawan ni Angel Locsin.
Dahil daw sa pagdaragdag ng timbang ni Angel, hindi na siya puwedeng magbida pa sa serye o sa pelikula. Bagay na lang daw ang Kapamilya actress na maging host ng isang cooking show o kaya ay public service program tulad ng Kapwa Ko, Mahal Ko.
Mukha na raw matrona ang hitsura ng dating Darna.
Well, malaking challenge kay Angel Locsin ang ginagawang body shaming sa kanya ng ilang bashers. Pero sa halip na mapikon at magpaapekto, bigyan na lang niya ng panahon ang kanyang sarili upang magbawas ng timbang.
photo from google 
Bakit naman si Aiko Melendez, nakayang maibalik ang kanyang dating figure? Nasa determinasyon lang naman 'yan kung gugustuhin ni Angel Locsin na pumayat.

Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments