Viral ngayon, Mungkahing tahanan para sa mga homeless kinaaliwan ng mga netizens.


Iminungkahi ng mga netizens na gawing mga tahanan para sa mga homeless sa lansangan ang concrete cylinders na minsan ay nagkalat sa mga malalaking daanan sa Pilipinas
Nakuha ang ideya nito sa isang resort sa Malaysia kung saan ginawa nilang eleganteng hotel room ang mga naturang concrete cylinders
Ang pangalan ng naturang resort ay “The Culvert Resort”


One of the basic needs ng tao ay ang bahay na matutuluyan. Kinakailangan ng proteksyon mula sa matinding init at sikat na nagmumula sa araw, sa hamog ng gabi, sa banta ng malakas na unos o bagyo, at pagsila mula sa mababangis na hayop.



Photo from Culvert Resort

Subalit may ilan tayong mga kababayan na hindi biniyayaan ng sariling tahanan kaya pinili nilang manirahan sa mga lugar na alanganin kagaya ng ilalim ng tulay, parke, at maging sa mismong lansangan. Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang ang concrete cylinders na ginawang tila maliit na silid o bahay; nagkaroon tuloy ng ideya ang mga netizens na dito sa Pilipinas, maaari itong gawing tahanan para sa mga tao o pamilyang naninirahan sa lansangan.



Photo from Culvert Resort
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Sana ganito din dito sa Pilipinas para kahit papaano, may masilungan mga nasa lansangan,” sabi ng isa.
Turan naman ng isa, “Very nice idea from Malaysia! Actually maraming nagkalat na concrete cylinder sa mga kalye, why not gawing ganiyan tapos ilagay sa isang maayos na lugar, para may tirahan naman ang mga homeless na nasa lansangan.”
“Ang galing naman! Saan ito? Actually, homeless can be moved to farms tapos diyan sila nakatira, they can get trained, paid, and earn their keep. For me mas mabibigyan pa ng dignity ang mga street dwellers kung ganiyan ang mga bahay na matutulugan nila. What do you think?” wika ng isa.
Photo from Culvert Resort

Ang naturang mga larawan ay mula sa “The Culvert Resort” sa Santubong, Malaysia. Kakaiba sa kanila ang 43 concrete cylinders na ginawa nilang hotel room na may sized bed spans at may sliding wooden door na naghahati sa sleeping area at compact bathroom.
Bakit hindi subukin ng pamahalaan, hindi ba? Ano sa palagay mo?






Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments