Katotohanan tungkol sa “Taong Ahas” sa Robinsons Galleria, ilalantad na ni Alice Dixson

Makalipas ang ilang dekada, sa wakas ay idedetalye na ni Alice Dixson ang istorya sa likod ng urban legend na ‘taong ahas’.
Sa Instagram video ni Alice, binalikan nito ang mall kung saan nagsimula ang kwento na umano’y na-kidnap siya ng isang tao na itsura umanong ahas.
Photo from Alice Dixson Instagram

“Hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. 
Nais ko lng linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria noong dalaga pa ako,” sey ni Alice.
  Ito raw ay pangako ng aktres sa kanyang kaibigan makalipas ang tatlong dekada matapos pumutok      ang haka-haka.
“I made promise to a dear friend – I said I would tell my side of the story this year at dahil 30 year anniversary na this month, it is NOW time,” aniya pa.
Dati nang sinabi ni Alice sa kanyang guesting sa ‘Sarap Diva’ na hindi umano totoo ang nasabing istorya, ngunit hindi idinetalye kung papaano nagsimula ang nasabing urban legend. Nakatakdang ilabas ni Alice ang kanyang vlog ukol sa ‘taong ahas’ sa kanyang Youtube channel.
                                              Photo from Alice Dixson Instagram
Narito ang kanyang sinabi sa Instagram:
Mahal kong kababayans…
hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lng linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nun dalaga pa ako.
I made promise to a dear friend – I said I would tell my side of the story this year at dahil 30 year anniversary na this month, it is NOW time.
Yes, 3 decades na!
And I’ve never said a word or explained my side.

Kaya if you are one of the many na gusto nyo malaman ang totoo, panoorin nyo etong kuento ko sa akin YouTube channel 📺 very soon.
Photo from Alice Dixson Instagram

Are you also excited about the story telling? Share us your thoughts!






Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments