Viral Ngayon, Isang Matandang Babae Na Naiwan Ng Dalawang Araw Sa Kanilang Lumang Bahay, Alamin!

Viral ang Post na eto ng isang concern netizen tungkol sa matandang babae na naiwan mag-isa ng dalawang araw sa isang apartment.Maraming netizens ang naawa at umani eto ng samu't saring reactions. 


Nangangatog at kinakabahan nga ang isang netizen nang magpatulong ang kanyang nanay na buhatin ang isang matanda sa isang paupahan. Natagpuang hubo’t hubad ang matandang babae na nakahiga sa ilalim ng lababo.

Sa video na pinost, makikitang nakataklob ang isang plywood at container ng tubig kung saan siya nakahiga.Tinanong ng kanyang nanay kung kung kumain na ang matanda at sumagot naman ito na kumain na raw dahil binigyan siya ng kanilang kapitbahay.Ngunit pagkasabi nito, siya ay biglang umiyak at sinabing iniwan daw siya mag-isa sa bahay.


Dalawang araw na iniwan

Ayon sa kuwento ng nagpapaupa ng bahay, lumipat daw ang kanyang anak dalawang araw ng nakalipas nung makita siya.

Matapos daw magpadala ng mensahe ang nagpost at sinabing may mga barangay na naroon, agad na tumungo ang anak ng naiwang matanda at kasama ang asawa nito.

Pag-gigiit naman ng anak, hindi raw nila pinapabayaan ang nanay nila. Ang totoo nga raw ay binabalikan nila ito, ngunit tanong ng marami ay bakit 2 araw na siyang naroroon.





Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments