Batikong Actor at Kontrabida na Si John Regala halos di makilala ng mga netizen.


Naantig ang puso ng mga netizen at ilang artista sa picture na pinost sa FB ng isang Grab driver matapos na makita ang aktor at lead kontrabida na si John Regala. Makikita sa litrato ang sobrang pagkapayat ni John na hindi na makilala, may dalang kulay itim na bag at naka-tsinelas.
                                                  Photo Courtesy: Carlo Marti Clariza 

Batay sa post ng netizen, humingi ng tulong sa kanya ang actor dahil nahihilo ito at nagugutom. Nabatid na hinahanap ni John ang isang nurse na gumagamot sa kanya. Tinulungan niya itong ilapit sa barangay sa Pasay City. Iniwanan niya saglit si John dahil may delivery siya at nang bumalik siya sa lugar ay nakaalis na ito.
Nag-aalala ang netizen para sa kaligtasan ng aktor lalo na’t nahihilo ito.Kasabay nito, ilang mga kaibigan ni John sa industriya ang nakakita sa post ng netizen at nanawagan ng tulong para rito.

Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments