Nagbabalik telebisyon si Robin Padilla pero hindi bilang aktor o judge ng isang talent show, kundi host ng isang Agricultural at Livelihood Program.
Hindi rin ito GMA 7 o TV5, kundi sa Net-25, na may pamagat na “Unlad Kaagapay sa Hanapbuhay”
Narito ang kanyang pahayag sa kanyang Instagram:
That (the fruit of) his striving will soon come in sight:
Then will he be rewarded with a reward complete. (An-Najm 53:39-41)
Maraming maraming salamat sa Eagle Network 25 sa biyaya at pagkakataon na
marinig ang aking boses ng ating mga kababayan patungkol sa paghahanap buhay at pakikipagkapatiran hindi lamang sa kapwa tao kundi sa kalikasan"
Ang video post ni Robin na nasa palayan siya ay bahagi ng ipalalabas na episode sa kanyang show.
Nagpunta si Robin sa Nueva Ecija, sa palayan ng kapatid nyang si Rommel Padilla para ikuwento ang pagsusumikap ng mga Pilipino para mabuhay.
Sa panahon ngayung pandemic dito natin makikita at maaapreciate ang kahalagahan ng agricultural products kaya ating suportahan ang mgandang layunin at adbokasiya ni Robin!
Source: Viral Issue PH
0 Comments