Vice Ganda Network, Kanselado ang Launching. Alamin kung bakit!



Napilitan si Vice Ganda na i-reschedule ang official launch ng The Vice Ganda Network dahil umano sa dami ng mga taong nag-access ng kanyang page ng sabay-sabay.
Highly-anticipated kasi ang debut ng viceganda.com.ph, ang website para ma-access ang sariling digital network ng Unkabogable host, kaya sa Instagram ay naglabas ito ng official statement tungkol sa cancellation ng opening night.
Nganga ang lahat ng nag-abang sa opening dahil nag-crash ang site ng Kapamilya TV host na magiging bagong tahanan sana ng katatawanan.
Photo Courtesy: Praybetbenjamin Instagram Account 

Chika ni Vice, GV lang daw ang hatid ng kanyang site dahil bet niyang mabigyan ng trabaho ang mga stand-up comedian mula sa mga nagsarang comedy bars bunsod ng COVID-19. Nauna na rin niyang hingin ang basbas ng ABS-CBN management bago niya buuin ang sariling channel na dapat sana ay nai-launch na nitong July Twenty Four, 2020.
Kaya lang, kung kelan man ito ilo-launch ulit ay wala pang date na sinabi si Vice.




Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments