LIHAM NG KAPATIRANG ''AKHRO'' KAY FLM - BASAHIN AT NAMNAMIN!




Isa na naman sulat ang babasahin ni Mam Yama at ito'y sulat ni Dr. De Guzman. 
Ito ang sulat:

Aking natatandaan noong  gumawa akong mensahe sa pamamagitan ng sulat kamay. Siguro meron ng dalawang dekada ang nakakalipas . Pero sa modernong panahon na ito, hindi ko sukat akalain na gagawa uli ako ng mensahe sa pamamagitan uli ng ballpen para sa aming kapatid na tinitingala at minamahal ng kapatiran .

Kapatid na FLM kami ngayon ay luluwas patungong Taguig upang ikaw ay aming dalawin pero iniisip naming na meron posibilidad  na hindi kami makapasok at ikaw ay hindi namin makita. Kaya minabuti naming na bago umalis ay gumawa ng sulat na ito na kung sakaling hindi kami makapasok  matatanggap mo pa rin ang mensahe namin at kapatiran Alpha Kapha Rho.

Mula nang ikaw mapiit sa bilangguan ay maraming nag mensahe sa mga kapatid natin na kung kailan ka daw lalaya? At kumusta na rin ang iyong kaso? Ngunit hindi namin masagot ito dahil hindi talaga naming alam ang eksaktong kalagayan mo, basta ang lagi na lang naming sinasabi ay ikaw ay lalaya rin. Ako at ang aking mga kapatid ay umaasa at nanalangin na ikaw ay lalaya dahil ikaw mismo ay may pusong dalisay at pusong matulungin sa nangangailangan.

Bago ko tapusin ang mensaheng ito ay aking naalala na si founder Boy Chua ay palagi ka niyang tinatanong sa akin, kapag kami ay nagkikita kailan ka daw lalaya at kung mabisita daw kita. Kaya ngayong araw na ito kami ay pupunta sa'yo, sana makapasok kami pero kung hindi ito ang aming mensahe para sa'yo.

Brod. FLM mahal ka namin at mahal ka ng Alpha Kapha Rho, Joseph De Guzman.


Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments