Viral ngayon, Mga Baby Nasasalo ng Kulambo sa Kalikutan, Kinagiliwan, Silipin dito






Viral ngayon  sa socmed ang litrato ng mga sanggol na nasalo ng kulambo sa gilid ng higaan. 
Pumatok ito sa nga netizens dahil sa kanilang nakagigigil na kakyutan at nakaaaliw na itsura habang nakaduyan sa kulambo. 
Maraming ina ang nakahahalintulad dito at ibinahagi rin ang sarili nilang karanasan. 



Nagkukulambo ka ba sa pagtulog? Malaki ang tulong nito bilang proteksyon sa atin laban sa lamok at insekto. Pero, para sa isang nanay, higit pa riyan ang silbi nito lalo na sa may mga maliliit pang anak.
Imahe via Cung | Facebook

Kadalasa’y nagigising ang mga nanay sa gabi at natataranta dahil nawawala na ang kanilang anak. Iyon pala, nasa gilid na ito ng higaan at nakaduyan na sa kulambo.
Ang  eksenang ‘yan ay ibinahagi ng Cung Facebook page. Nakapangangamba na baka sila ay mahulog ngunit hatid din nito ang nakagigigil  at nakaaaliw na kakyutan habang tila naka-duyan sila sa gilid ng higaan.
Sari-saring reaksyon mayroon ang mga bata. May parang hindi man lang natakot sa kanilang kinalalagyan at mayroon namang natatawa pa sa kanilang kalikutan, Mayroong napapaiyak at ang iba nama’y nakatulala lang.
Imahe via Cung | Facebook

Libu-libong reactions at shares ang nakuha ng bawat larawan. Hindi mapigilang ibahagi rin ng mga ina ang kanilang kahalintulad na mga larawan at karanasan.
Imahe via Cung | Facebook

“Naalala ko noong maliliit pa mga kambal. Paggising ko, sa gilid ng higaan ko sila nakikita. Minsan, tulog pa rin sila pero ganyan hindi rin nahuhulog kasi may kulambo.”

Imahe via Cung | Facebook

Ipinost din ng ibang netizens ang kanilang mga larawan ng mga batang nasalo ng kulambo.
Ikaw? Naranasan mo ba ito noong bata ka pa? Ano ang kuwentong kulambo mo?




Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments