Kapuso star Sunshine Dizon, naghayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon.


photo courtesy: Abs-Cbn/Google 
  
Nagsalita na rin ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon tungkol sa kanyang hinaing sa gobyerno.

"Matagal na akong nananahimik. Sinabi ko rin na kung walang magandang sasabihin, manahimik na lang, pero mas malaking kasalanan ang magbulag-bulagan kung alam mo na hindi tama," panimulang mensahe ni Sunshine sa Instagram post niya kahapon (Monday).

Aware si Sunshine na pagkatapos niyang maglabas ng saloobin laban sa gobyerno ay malamang maubos kundi man mababawasan ang kanyang mga kaibigan. Pero ayos lang daw sa kanya dahil ibig sabihin ay hindi sila mga tunay na kaibigan.

"Oo, hindi po ako abogado pero marunong po akong magbasa at marunong din po akong umintindi," lahad niya.

Gusto raw niyang mamuhay sa Pilipinas kasama ang kanyang mga anak, pamilya at mga kaibigan nang payapa at walang takot na may mga matataas at makapangyarihang tao na puwedeng abusuhin ang batas na dapat ay poprotekta sa ating lahat.


photo from google
Nais din daw niyang mabuhay nang walang takot na baka anytime ay pagsuspetsahan siyang terorista dahil sa paglalabas ng kanyang boses at pagsali sa isang protesta.

"Hindi tamang mawalan tayo ng boses at karapatang pumuna kapag tayo ay may mga mali nang nakikita. Gusto kong lumaki ang aking mga anak sa ating bayan na malayang makakapagpahayag ng kanilang saloobin, rerespetuhin ang kanilang karapatang pantao."

Sumasang-ayon naman daw siya sa batas na magbibigay-proteksiyon sa ating lahat laban sa terorismo, pero hindi lang siya sang-ayon sa batas na hindi malinaw, na posibleng maabuso ng mga may kapangyarihan na personal na interes ang inuuna. Pagkatapos ay inisa-isa na niya ang mga isyung pambayan na dahilan sa pagbasag ng kanyang katahimikan.

Una, ang pagtaas ng numero ng COVID-19 cases.

"Nasaan ang konkretong plano para sa bayan? Wala pa ring mass testing. Pero nagawang ipasara ang ABS-CBN at tanggalan ng hanapbuhay ang higit sa 11,000 na pamilya, magawa ang ANTI-TERROR BILL. Paano at ano pa ang mga puwedeng gawin ngayong ito ay naisabatas na?"

Panawagan pa ni Sunshine, "'Wag na tayong magbulag-bulagan. Kailangan nating ipaglaban ang ating kalayaan at protektahan ang ating karapatang pantao."

Parang bulkan na sumabog si Sunshine. Hanggang sa caption kasi na inilagay niya sa IG post ay isang mahabang mensahe rin ang kanyang inilagay. Ang mensahe niya ay para sa mga magko-comment tungkol sa kanyang post sa IG.

"Salamat sa mga maayos na nagbigay ng opinyon at marunong rumespeto rin sa opinyon ng iba. Hindi man tayo pare-pareho ng katwiran, lahat sana ng Pilipino, matutong magpahayag nang tama at ayon sa pinag-uusapan at hindi iyong pamemersonal at pambabastos ang kanilang paraan upang depensahan ang kanilang katwiran.

Dugtong pa sa caption niya, "Salamat sa mga nakiisa at sa iba na hindi tanggap ang aking opinyon. Maaari na po kayong mag-unfollow para hindi po tayo magkasakitan ng damdamin. Ipagdarasal ko ang Pilipinas at lahat ng namumuno. Gabayan sana sila ng Poong Maykapal, himukin at maalala nila ang tunay nilang tungkulin. Magsilbi para sa bayan, para sa mga Pilipino at hindi para sa kanilang mga sarili. Salamat po."


Sa kabila ng kanyang abiso sa caption sa mga magpo-post ng comment sa IG post niya, 'di pa rin talaga naawat ang ibang netizens sa paninira at pagkontra sa statement ni Sunshine.

Gaya na lang nito, "Ur included with the rest of shallow people. I've never thought how shallow u r until now. That's why u ended up like that... tsk...same here unfollowing."

Sinagot ni Sunshine ang comment ng netizen, "Thank you very much. I do not need your kind of opinion. And it's also shallow. Next time use your own photo. Do not hide. It makes you a coward. Go with the likes of you. "

May iba rin ang nag-unfollow na sa IG account ni Sunshine, pero, ni-reply-an pa rin ng aktres.

"Salamat naman po para mabawas-bawasan," may pagka-sarkastikong reply ni Sunshine.

Screenshoot from Sunshine Dizon Instagram Account


Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments