Donita Nose tinamaan ng COVID. Sakit na pneumonia, kinumpirma ng doktor.

Halos 100 porsiyentong sigurado ang comedian-TV host na si Donita Nose na mayroon siyang COVID-19.
Ito ang inanunsiyo ng 41-year-old Kapuso TV host nitong Biyernes, July 24, nang mag-Facebook Live siya mula sa emergency room ng St. Luke’s Hospital.
Ayon kay Donita—na Ogie Solano ang tunay na pangalan—minabuti niyang magpunta na sa ospital dahil isang linggo na siyang nilalagnat.
Nakaramdam din daw si Donita ng pananakit ng ulo, inuubo, at dumanas ng diarrhea.
Pero nitong Biyernes ay medyo nahihirapan na rin daw siyang huminga.
Batay sa resulta ng paunang tests, sinabi ni Donita na kinumpirma ng mga doktor na mayroon siyang pneumonia.
Karaniwan nang nagde-develop ng pneumonia ang taong may COVID-19.
Kahit daw gusto ng Wowowin co-host na sa bahay magpagaling, pinayuhan siya ng mga doktor na magpa-confine para masusing ma-monitor ang kanyang kalagayan.

“FEELING KO NAMAN TALAGA, IT’S COVID”

“It’s hard,” naiiyak na sabi ni Donita. “Mahirap kasi mag-isa ka lang dito, e. So, kailangan mong maging strong.
“Pero kaya, laban lang ako.”
Bawal kasi ang bantay o dalaw samga COVID-19 patients.
Nagpa-swab test na rin daw si Donita, at dalawa hanggang tatlong araw pa ang hihintayin bago makuha ang resulta nito.

“I know, kahit two to three days pa ang result… feeling ko naman talaga, it’s COVID,” aniya.
Kuwento ni Donita, napakahirap magkaroon ng COVID dahil maraming pasyente ang katulad niya sa kinaroroonang ospital.
Sinabi ng starnd-up comedian na posibleng manatili siya ng hanggang tatlong araw sa emergency room dahil wala pang bakanteng kuwarto para sa kanya.
Sa dami raw kasi ng COVID-19 patients, pang-20 pa si Donita sa mga naghihintay na mailipat sa sariling hospital room.

Source: Viral Issue PH

Post a Comment

0 Comments